Sunday, 15 December 2013

"Meron Nang Iba" Lyrics and Video By: Silent Sanctuary ft. Ashley Gosiengfiao


Mahirap bang pumili at magpasya?
Hindi ba dapat mahal mo'ng mauuna?
Kaya ngayon, 'di na kita makilala.
Kamusta ka na?

Darating din sa akin,
Malilimutan kita.
Subukan mong pilitin,
Baka nga 'di tayong dalawa.
Nanlalamig na damdamin,
Kay tagal mo kasing nawala.
Sa araw na umuwi ka,
Meron na akong iba,
Meron na akong iba.

Apat na buwan, marami pang hindi alam.
Pasensya na, umalis nang ganon na lang.
Siguro nga, hindi ko 'to napag-isipan,
At biglang lumayo.

Darating din sa akin,
Muling magiging akin ka.
Subukan mong pilitin,
'Wag ka munang mawala,
Nanlalamig na damdamin,
Ditoy walang napapala.
Sa araw na umuwi na,
Meron ka na bang iba?

"instrumental"

Nasaan ka nung kailagan ko ang yakap mo?
Hinanap ang puso mong tanging baon ko.
Sa langit, magsusulat lang ng bagong yugto.
Handa 'kong maghintay (Subukang maghintay)
Sumulat sa aking kamay.

Hindi ko rin akalain,
Malilimutan kita.
Subukan mang pilitin
Talagang di tayong dalwa
Napagod na ang damdamin,
Kay tagal mong nawala.
Sa araw na umuwi ka,
Meron na akong iba,
Meron na akong iba,
(Meron ka na bang iba?)
Meron na akong iba.

No comments:

Post a Comment